Sunday, June 17, 2012


Ano ba ang kulay ng iyong ploma? Sure ka na ba? Hehe! Sa akin ay pula. Kung bakit ay basahin nyo na:    

warning: kindergarten content   
approved for all readers   





  Ang Ploma kong Pula



Noong ako ay bata pa
Nag aaral sa elementarya
Lagi kong dala dala
Ang ploma kong pula

Ako ay kanilang tinanong
Guro,kaklase, o kahit na sino ang makasalubong
Bakit ganyan? Ito ang lagi nilang tanong
Na minsan sa aki'y kanilang binubulong

Hindi mo ba alam na ito'y nababagay lamang
Sa mga guro at hindi sa katulad mong musmos na nilalang
Kaya ang ploma kong pula ay aking ikinubli
Sa mga naiinggit at mga mapang api

Isang araw, ito ang aking sinabi
Ako'y magiging guro at magmamalaki
Na ipapamalas ang ploma kong pula
Na itinago ko pa sa kahon ng aking lola.

No comments:

Post a Comment